WebClick Tracer

METRO

Taga-Pasay nasolo P33M premyo ng Mega lotto

Solong napanalunan ng isang mananaya mula sa Pasay City ang mahigit sa P33 milyong jackpot sa Mega Lotto 6/45 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Miyerkules ng gabi.

Sa abiso ng PCSO, natumbok ng suwerteng mananaya ang anim na digit winning numbers na 42-05-10-30-27-19 na may premyong P33,070,560.40.

Samantala may 78 namang mananayang nanalo ng tig-P32,000 kada isa matapos makuha ang lima sa anim na winning numbers. (Edwin Balasa)