WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Coco pagod na sa bakbakan, Jane nagpatakam na

Pinakita na ang teaser sa nalalapit na paglipad ni Darna. Bongga ang patakam niya.

“Ding, ang bato!,” ang sigaw ni Jane de Leon.

Sa teaser ay pinakitang binibigay ni Iza Calzado bilang si Leonor ang bato sa anak niyang si Narda.

Aba, kung noon ay may baby fats si Jane sa kanyang huling programa sa Kapamilya dito sa Darna ay hindi nagpakabog ang young actress sa kanyang kaseksihan.

Sa FPJ’s Ang Probinsyano huling napanood si Jane . Ginawa rin niyang training ground ang mga action scene na ginawa nila ni Coco Martin.

Hindi na magtatagal sa ere ang longest running serye ni Coco at papalitan na ito ng paglipad ni Darna.

Maraming avid viewers ng FPJAP ang nalungkot dahil napipinto na ang pamamaalam ni ‘Cardo Dalisay’.

Ang iba naman ay nagsasabing, dapat na rin daw tapusinang FPJAP dahil feeling nila ay pagod na rin daw si Coco sa pakikipaglaban.

May nakakasiguro naman na muling gagawa ng aksyon serye ang aktor para saikapapanatag ng kanyang mga fan.