WebClick Tracer

NEWS

Ulan bubuhos pa sa NCR, Luzon – Pagasa

Papalapit na ang panahon ng tag-ulan kaya patuloy na makararanas ng pag-uulan sa malaking bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila o National Capital Region, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa).

Ayon sa Pagasa, nagkakaroon na ng “onset of rainy season” o pagpasok ng panahon ng tag-ulan.

Noong nakaraang taon ay June 4 idineklara ng Pagasa ang simula ng tag-ulan.

“Intermittent rains, associated with the Southwest (SW) monsoon will start to affect Metro Manila and the western sections of the country,” ayon sa Pagasa.

Apektado din ang bansa ng La Nina phenomenon kaya nagbabala ang Pagasa na magkakaroon ng above normal rainfall conditions sa mga susunod na buwan. (Tina Mendoza)