WebClick Tracer

METRO

Publiko binalaan sa pagsulpot ng mga sakit

Pinag-iingat ng National Task Force Against COVID-19 ang publiko laban są mga sakit na karaniwang lumalabas tuwing panahon ng tag-ulan.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NTF Medical Adviser Dr. Rontgene Solante na hindi lamang COVID-19 ang pag-ingatan lalo na ngayong opisyal nang naideklara ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan sa bansa.

Sinabi ni Solante na mahalagang mag-ingat ang publiko ngayong panahon ng tag-ulan.

“Yung denge, during rainy season ay namumugad ang mga lamok sa matubig na environment, pangalawa ay yung influenza, yung flu nandito na rin kaya mas maganda magpakunsulta to get the influenza or the flu vaccine,” ani Solante.

Ang leptospirosis naman aniya ay dapat pag-ingatan dahil nakukuha ito sa ihi ng daga na humahalo sa tubig-ulan at nagdudulot ng tetano kapag naimpeksiyon ang isang tao na maaari nitong ikamatay. (Aileen Taliping)