WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Ronnie nabastusan sa aktor na ‘di umaamin; LoiNie inurirat sa engagement

Diretso ang sagot ni Ronnie Alonte nang matanong sa screening and mediacon ng “Love in 4o Days” held last Friday kung ano ba ang kaibahan nila ng girlfriend na si Loisa Andalio sa ibang loveteams.

“Paano kami naiba sa kanila? Hindi sila umaamin,” sey ni Ronnie na walang kagatol-gatol.

Sigawan at kantiyawang umaatikabo ang fans and press na nasa venue dahil sa kanyang sagot.

“’Yun ang unang-una sa lahat siyempre. Ako kasi, kaya kami umamin talaga, hindi ko kaya na nakikita ‘yung babae na nasasaktan na hindi ko siya kayang ipagmalaki sa social media,” paliwanag niya.

Idinagdag din niyang nakakabastos daw sa isang babae kapag idene-deny ng boyfriend. Na nakikita ng mga taong magka-holding hands at naglalambingan pero pag tinanong daw kung sila na ang isasagot daw ay “friends lang kami.”

“Parang nakakabastos ‘yun sa isang babae para sa akin. ‘Yun ang pagkakaiba namin (sa ibang loveteams),” sey pa ng aktor.

Dagdag pa niya, “ang sarap-sarap ng merong taong nagmamahal sa ‘yo. Totoo po ‘yun. ‘Yun siguro. At saka ‘yung pagiging makatotoo namin sa tao na ‘yun nga po, hindi kami showbiz. Hindi kami. . . ‘Yung ipinapakita namin sa tao, sa social media, lahat, lahat po ‘yun totoo, walang halong ka-echosan.”

In fairness, matatandaan ngang umamin agad noon sina Loisa at Ronnie sa kanilang relasyon.

Pagre-recall nga ni Loisa, si Vice Ganda raw ang nagpaamin sa kanila. Hinuli raw sila at dahil nga hindi sila nagsisinungaling, umamin daw silang “opo, kami na.”

Pabirong panawagan ni Ronnie sa ibang loveteam na may relasyon pero ayaw umamin, “umamin na rin kayo.”
Anyway almost 6 years na ang relasyon nina Loisa at Ronnie kaya natanong sila kung may aasahan na ba ang fans na engagement sa kanila.

Ayon kay Ronnie ay hindi pa raw ngayon ang tamang panahon.

“Kasi sa ngayon, ang focus namin is i-enjoy muna ‘yung buhay namin hangga’t bata pa kami, mag-ipon para pagdating or dumating ‘yung panahon na kailangan na, eh di tara na,” sey ni Ronnie.

Dagdag pa ng aktor, dadating din daw sila sa ganun’g stage pero sa ngayon ay mga bata pa raw sila. Pero in-assure naman niya ang fans na nakaplano naman daw ito.

“Huwag kayong mag-alala, ayun naman ang mindset namin. Nakaplano ‘yan. Naks! Pero hindi pa ngayon,” sabi ng aktor.
Inayunan naman ito ni Loisa.

“Tama po ‘yung sinabi ni Ronnie. Kasi ayaw rin po namin na pumasok sa ganu’n kataas na ano na, ‘yung relationship na engagement na.

“Kasi tama, ang babata pa po namin. Marami pa kaming gagawin din. And basta, nandito kami to support each other. ‘Yun na ‘yung the best po,” saad ni Loisa.

Anyway, masayang-masaya ang LoiNie na bida na rin sila sa sarili nilang teleserye. Ayon kay Loisa ay napakatagal daw nila itong hinintay at sobrang thankful siya na finally ay dumating na.

Magsisimula na ang Love in 40 Days ngayong May 28 sa iWantTFC app at website, at sa Mayo 30 naman ng 10 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.