WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Grupong Kontra Daya sinopla ng DILG

Inakusahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang grupong Kontra Daya sa pagpapakalat umano ng maling impormasyon hinggil sa katatapos lamang na halalan.

“Kontra Daya’s report on the 2022 election belong in the fiction section of major bookstores or libraries for being the product of a wild imagination,” pahayag ni DILG Undersecretary at Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya nitong Linggo.

Kinastigo rin ni Malaya ang naturang grupo dahil sa pagkakalat umano ng ulat na nagkaroon ng malawakang ireguralidad at karahasan samantalang ang ginanap na halalan noong Mayo 9 ang pinakapamayapa at ligtas aniya mula nang ikasa ang automated election system.

Dagdag pa ng opisyal na mayroon ding sumusuri sa proseso ng botohan katulad ng pagsasagawa ng parallel vote counting at random manual audit ng mga poll watchdog gaya ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting. (Dolly Cabreza)