WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Loisa, Ronnie palaban sa laplapan

Bidang-bida at starlets no more sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa “Love In 40 Days”.

May mga elemento ito na tila galing sa Korean drama na “Hotel de Luna” at American classic movie “Ghost”. Ito ay dinerek nina Manny Palo at Jojo Sagun .

Ang nasabing fantaserye ay nakakagiliw panoorin dahil tinatalakay nito ay iba’t-ibang klasing pagmamahalan, pagpapahalaga sa buhay at mga kasama mo sa buhay, pamilya, kaibigan at iniirog. Nandiyan ang pagpapatawad at pagtanggap sa mga katotohanang mapanakit.

Palaban sa aktingan ang dalawa lalo na nga’t ang palagiang kaeksena ni Loisa eh ang mga seasoned veteran na sina Leo Martinez at Lotlot de Leon.

Si Alonte naman, ang mommy dearest niya ay si Mylene de Leon na karir na karir ang pagiging maldita mommy dearest at ang theater actor na si Bart Guingona ang kanyang tatay. Kitang up to his a game si Ronnie sa true lang.

At yes oh yes, palaban rin ang magjowa for real sa laplapan, iyan ang pangako ng mga direktor. Na yung kapiranggot na ipinalabas na, more and more kissing scenes at tender moments ang aabangan sa magkasintahang nakakatuwa ang pagiging tapat sa kanilang pagmamahalan.

Sa true lang, nagka-soft spot bigla itong si Alonte sa inyong diva that you love kasi nga grabe ang pagmamahal niya kay Andalio kaya nga inamin niya agad na hindi lang sila basta friends, kundi boyfriend at girlfriend talaga.

At hamon sa kakayahan nilang dalawa ang umarte na hindi nagmamahalan at in fair Verona to them, kinaya nila ang hindi pa tayo mag-jowa challenge, huh!

Sa May 30 itatanghal ang “Love In 40 Days” na for sure eh kagigiliwan at mamahalin ng mga Kapamilya at LoiNi fandom.

Ian sumadsad ang career

Sayang na sayang si Ian Pangilinan. Matapos mabuwag ang PangPang Couple, kung saan ang katambal niyang si Paolo Pangilinan, ay the WHO na ang status sa kasalukuyan, ano ang nangyari sa karera ni Pangilinan?

Semi-regular status sa Nino, Nina at ni hindi man lang pinag-usapan ang katauhan niya sa inspiorational show kung saan ipinareha siya sa isang barrio lass na tila naging lason sa kaniya.

Sa “Love In 40 Days,” siya ay band mate ni Ronnie Alonte na super limited ang screen time at mga binbitawang linya. Naway sa mga future pagtatanghal eh mas humaba pa ang kanyang exposure sa palabas at may wawa ang kanyang katauhan. With his talent, good looks and that special something na nagpakalembang sa diva that you love’s colegiala sensibilities, kung ano ang kinasasadlakan ni Paolo sa ngayon, parang duon na rin papunta si Ian.

Naku, naku, naku! Ang sad naman talaga at sayang kung maging the WHO times two si Ian Pangilinan, huh!