WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Ronnie magaling mag-shoot: Loisa natumba sa pagtalon

NI: ARCHIE LIAO

Viral ang video clip na ibinahagi ng isang LoiNie fan sa twitter kung saan tuwang-tuwa si Loisa Andalio nang makapuntos sa basketball game ang kanyang dyowang si Ronnie Alonte. Magaling kasing mag-shoot ito.

Naglaro kasi ang aktor sa naganap na Star Magic All-Star games.

Sa nasabing clip, muntik na ring madisgrasya ang Kapamilya actress dahil sa katatalon nito sa tuwa ay natumba ito pero agad namang nakatayo.

Sa tweet naman niya, sinabi niyang okey lang siya pagkatapos na mawalan ng balanse at walang dapat alalahanin sa kanyang kalagayan.

Bago pa man, nag-start ang game, ipinakita na ni Loisa ang sobrang suporta niya sa boyfie.
Siya ang nagsilbing photographer at cheerleader ni Ronnie.

May eksena pa ngang sa labis na excitement niya ay niyaya pa niya si Belle Mariano na samahan siyang mag-cheer para kay Ronnie.

Marami namang netizen ang humanga sa pagpapaka-faney ni Loisa sa kanyang ka-loveteam.

Naa-appreciate rin ng mga ito ang suporta sa dyowa kahit magmukha pa itong dyulalay ng actor.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Sobra ang pagka-faney niya. Kulang na lang maging alalay siya ni Ronnie!”

“Hats off kami, ghurl. Bilib kami sa suporta mo sa dyowa mo.”

“You’re so cute and effortlessly funny mhie! Sobrang hyper and supportive mo talaga. We love you best girl! Diko kinekeri ang energy ng loisa!”

“@iamAndalioLoisa being the best girl and girlfriend that she is! sobrang sweet at caring niya kay @iamr2alonte sa buong laro! Grabe ang masasabi ko lang, sana all may Loisa Andalio! Iba ka talaga.”

Sina Loisa at Ronnie ay balik-tambalan sa seryeng “Love in 40 Days” na mapapanood na sa iba’t-ibang platforms ng ABS-CBN simula sa Mayo 30.