WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Janice windang sa kabit ng ex

NI: ARCHIE LIAO

Sa kanilang podcast na “Wala Pa Kaming Title”, naging topic ng magkakaibigang Janice de Belen, Gelli de Belen, Carmina Villarroel at Gelli de Belen ang tungkol sa ‘third party’ sa isang relasyon.

Ayon kay Janice, nakaka-relate raw siya sa tema dahil nangyari ito sa kanya.

Katunayan, sa pagbabalik-tanaw niya, naloka raw siya sa kanyang naging karanasan sa kabit ng kanyang ex.

Dahil nasa pangangalaga raw ito ng isang malaking kumpanya, kinausap siya ng mga taong malapit dito at sinabing gusto raw mag-sorry ng babae sa kanya.

Nang magkaharap daw sila, naloka siya sa dialogue nito na “I’m sorry but I did not know.”

Pinamukha raw niya rito kung ano ang hindi alam ng mistress, na may asawa ang kanyang kinalantari o taga-showbiz ang kanyang pinatulan.

Hindi raw naman siya dumating sa puntong sinampal niya ito pero ipinaintindi raw niya sa girl na masuwerte ito dahil hindi niya nagawang mag-stoop sa level nito otherwise baka patay na raw ito, naipa-deport o nawalan ng trabaho.

Tandang-tanda pa nga raw niya na nanginginig pa sa takot si mistress dahil sa kanyang mga pinakawalang salita. Sa bandang huli raw ay in-assure niya na hindi niya sasaktan ito.

Tungkol naman sa kanyang ex, aniya, madali raw ang proseso ng pagpapatawad .Pero kung wala raw namang remorse iyong taong nagkasala parang wala ring silbing gawin ito.

Hirit pa niya, isa raw sa mga bagay na nahirapan siya noong maghiwalay sila ng ex na si John Estrada ay kung paano ipapaliwanag sa mga anak kung bakit humantong sa hiwalayan blues ang kanilang relasyon ng dating asawa.

Gayunpaman, isa raw sa iminulat niya sa kanyang mga anak ay panatilihin ang respeto sa kanilang ama.

Kung meron din daw siyang bagong karelasyon, hiniling din niya sa mga anak na igalang ito.