WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Facebook hahabulin sa e-sabong operation

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na papatawan ng kaukulang aksyon sa batas ng Pilipinas ang social media platform na Facebook dahil sa mabagal na aksyon nito laban sa mga e-sabong operation account.

Isiniwalat ni DILG Undersecretary Jonathan Maglaya sa Laging Handa public briefing kahapon na mahigit isang linggo na ang kanilang sulat sa Facebook subalit hanggang ngayon wala pa ring tugon o aksiyon sa isyu ng mga e-sabong account na naglipana sa social media platform nito.

Matatandaang ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang e-sabong operation subalit may mga gumagawa pa ng diskarte para makapagpatuloy sa naturang online sugal.

Sinabi ni Malaya na sakop ng batas ng Pilipinas ang Facebook operation sa bansa at dapat alam ng kompanya kung ano ang mga ilegal na aktibidad na tila pinapabayaan lamang nila.

“So, medyo nababahala po kami dito dahil ang Facebook po is a business entity operating in the Philippines and they are bound by the laws of the Philippines and this e-sabong is an illegal activity. At kung hindi po ito violation ng Community Standards ng Facebook, hindi ko na po alam kung ano ang violative of Facebook rules kasi nga po, illegal activity ito,” ani Malaya.

“We are disappointed dahil kung sila ay mag-shutdown ng ibang pages [ay] mabilis but in this case, it’s as if they are tolerating illegal activity in the Philippines. Para pong lumalabas na sila ay accessory to an illegal activity because Facebook is a venue for illegal activity, ito nga pong illegal e-sabong,” ayon pa sa opisyal.

Nabatid na 12 website ng at walong Facebook page ng ilegal na e-sabong ang nais ipasara ng pamahalaan.

“Doon po sa report na ibinigay sa amin ng Philippine National Police, mayroon pa tayong na-identify doon na 12 websites na nag-o-operate ng e-sabong at mayroong walong Facebook pages,” dagdag ni Malaya. (Aileen Taliping/Dolly Cabreza)