WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
OPINION

Senado huwag maging rubber stamp ng susunod na admin

Tapos na ang laban, may nanalo na sa Senate Presidency.

Bagama’t hindi pa nagbobotohan sa Senate presidency race, ngayon pa lang ay abot hanggang tenga ang ngiti ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri dahil umatras na ang kanyang mabigat na katungggali na si Sen. Cynthia Villar.

Bakit umatras si Villar? Pakiwari ko, nakabuo na talaga ng Magic 13 si Zubiri kaya malamang natunugan ng senadora ito kaya sa halip na labanan, minabuting umurong na lang siya at suportahan si Migz sa kanyang ambisyon na maging Senate President.

Or puwede namang mismong si Zubiri na ang nagsabi kay Villar ng kanyang totoo bilang kaya ganoon ang nangyari, umurong na lang ang senadora para makapagbuo na silang ng “super majority” bloc sa Senado.

Well, masaya na rin naman si Villar kahit umurong siya dahil humirit naman siya kay Zubiri na panatilihin lang sa kanyang ang dalawang komite ng kanyang hinawakanan sa kasalukuyan – ang agriculture at environment.

Halata namang si Zubiri na talaga ang next leader ng Senado. Bakit kanyo? Aminin mo niya at hindi, halatang namang hiningi niya ang endorso ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Noong araw ng proklamasyon, kitang-kita na panay ang dikit ni Zubiri kay Marcos, halos hindi na niya binitawan ng mga oras na nanalagi ang susunod na pangulo sa Kamara. Although, tinatanggi na hindi siya humirit kay Marcos sa kanyang Senate presidency bid.

Pero bago umatras si Zubiri, muling nakipagpulong si Zubiri kasama ang iba pang mga senador at mga kongresista kay Marcos sa kanilang headquarters sa Mandaluyong City.

Makikita sa photo release na sa left side ni BBM si Zubiri at right side naman si incoming Speaker Martin Romualdez. Kasama ang mga kasalukuyang senador, mga nagbabalik-Senado at ilang mga baguhang senador. Doon pa lang, obvious na si Zubiri na nga ang next SP.

Dahil si Zubiri na nga talaga, iisa na lang ang aabangan – ang aktuwal na botohan sa incoming 19th Congress sa July 25. Formality na lang yan. Unless na seryosohin din talaga nina Senator-elect Chiz Escudero o ni Sen. Win Gatchalian, na gusto ring maging Senate President.

Last day na ng session ng Senado [April 1] at dahil nga sure ball na si Zubiri, pinaplantasa na niya ang distribusyon ng mga komite sa mga senador. Siyempre, iyon ang kapalit ng pagsuporta sa kanya ng mga kasama niya, bagay na dapat niyang tuparin.

Ngayon pa lang, congratulations in advance kay Zubiri bilang susunod na lider ng Senado. Qualified ba siya? Of course naman, isa siya sa mga beteranong senador at very competent dahil ilang beses na rin naman siyang naging majority leader ng Senado. Ika nga, subok na subok na siya.

Sa kanyang liderato, sana nga lang manatiling independent ang Senado bilang isang institusyon at hindi maging rubber stamp ng bagong administrasyong Marcos.

Sana magpasa sila ng ng mga panukalang batas na base sa merito nito at hindi dahil inieendorso ito ng Palasyo. Huwag sanang kalimutan ni Zubri ang role ng Senado na mag-provide ng check and balance. Anyway, congrats in advance Sen. Migz!