WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Janine, Paulo mainit ang laplapan

Oo, maalab ang laplapan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa Prime Cruz’s “Ngayon Kaya’. Ito’y romantic drama na sinulat ni Jen Chuansu mula sa TREX Entertainment at katuwang ang WASD Films.

Pero ang mas maalab talaga sa pelikula, ang pinagdaanan ng kanilang mga katauhang sina AM (palayaw ng Amihan) at Harold, bilang college friends na kung susumahin ang pinagsasaluhan ay tila isang less than lovers but more than friends na it’s complicated na relasyon.

Kadalasan, ang mga damdaming kinikimkim at hindi sinasabi ito pa ang may mga pinakamalakas na pagsigaw. Ang katotohanang iyan ay kitang-kita sa mga eksena nina Gutierrez at Avelino na talaga namang sinagpang nila ang kanilang mga katauhan.

Ilang halimbawa, ang pasimpleng pagsipat ni Harold kay AM noong sila ay kapuwa nasa isang tugtugang joint, kitang-kita at damang-dama mo ang paghanga ni Avelino kay Janine.

Yung eksenang unang nadurog ang puso ni Harold matapos makitang may kahalikang lalaki si AM, you really feel Paulo’s pain.

Ang clever manner kung saan ipinapakita sa lahat ang kaibahan ng stature ng buhay nina AM at Harold, mula sa pag-akyat nilang dalawa sa nakakaloka at yayamaning bahay ni Gutierrez, hanggang sa paglalaro ng mga kaibigan nito sa pagiging tagasilbi ni Harold sa isang restaurant,

Ang kanilang pag-aaway at hiwalayan scene at ang walang melodramatic excesses na pag-itak ni Harold sa airport habang pinaparinig sa kanya ni AM ang isang kanta.

At marami pang eksenang sadyang sobrang makatatohanan na pag ito ay inyong pinapanood, dama mo ang kirot, kurot at sakit.

Buong-buo ang pagkakasulat ni Chuansu kina Harold at AM at you cannot help but be emotionally invested sa kanilang dalawa . Totoong-totoo ang damdamin at sitwasyon ng mga katauhan na hindi pilit na pilit ang pagpiga sa iyong puso .
Tama ang timpla, Sakto ang mga emosyon. Tagos sa puso ang mga linyahang hindi scripted ang dating.

At sa mga mata nina Gutierrez at Avelino, ang longing, frustration, acceptance, ang paglaban at mga di sinasabi na dapat ay sinasabi, boy oh boy, talagang mapanakit.

Panoorin sa sinehan ngayong Hunyo 22 ang “Ngayon Kaya”.