WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
OPINION

INC leader ginagamit ng mga aplikante sa BOC?

PILA BALDE ngayon ang mga nag-aaply ng puwesto sa gobyerno kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Marami-rami pa ang mababakanteng posisyon na kailangang punuan ng incoming President.

Ilan naman sa mga humihingi ng appointment ay mga kasalukuyang nakaupo na gustong ma-retain sa puwesto. Siyempre, kailangan nila ng backer para mapansin sila ni BBM.

Itong mga organic na empleyado ng Bureau of Customs (BOC) nag-iingay dahil sa gusto raw ma-retain sa puwesto ng dalawang mataas na opisyal dito.

At ang sinasabing backer umano ng dalawa, walang iba kundi si Ka Eduardo Manalo, ang Executive Minister ng Iglesia ni Cristo.

Panawagan ng ilang empleyado ng BOC, walang maidudulot na maganda para kay Ka Eduardo Manalo at sa pamunuan ng INC ang ginagawang paggamit sa kanila ng ilang opisyal na naghahangad na manatili sila sa puwesto sa naturang ahensiya.

Sabi ng ilang empleyado, walang problema kung naghahanap sila ng linya sa kampo ni incoming President. Ang masaklap lang ay kung ginagamit ng mga ito ang pangalan ni Ka Eduardo at buong INC mismo.

Ilan sa mga empleyado ng BOC ay miyembro ng INC. Hindi sila natutuwa na gamitin ang pangalan ni Ka Eduardo at buong INC dahil sinisira nito ang sagrado nilang kapatiran. Sabi naman ng isang INC member sa BOC, panahon na para magising ang papasok na administrasyon na hindi basta maniwala sa paggamit sa pangalan ni Ka Eduardo dahil kahit saan at kahit kailan, batid nilang hindi ito papayagan ng iginagalang nilang namamahala ng INC.

Natatakot umano ang mga empleyadong ito na mapaniwala si Bongbong Marcos na ang dalawang opisyal na kapit tuloy ay ‘sugo’ ng INC.

Ang dalawang opisyal ay minsan nang kinaladkad ng broker na si Mark Taguba sa hearing ng Kamara at Senado tungkol sa kontrobersya sa BOC may ilang taon na ang nakaraan.

Mabigat ang ibinibintang ng mga empleyado ng BOC kaya makabubuting sagutin ito ng dalawang opisyal ng ahensiya. Makakatulong din siguro ang paglalabas ng opisyal na pahayag ng INC sa isyung ito.

Hindi naman masama ang magpatulong sa mga maiimpluwensiyang tao katulad ni Ka Eduardo Manalo. Ang mali lang naman ay kung hindi ito alam ng nasabing lider ng simbahan.