WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Moira, Jason sangkot ang handler sa hiwalayan

NI: CRISTY S. FERMIN

Kalat na kalat na ang kuwento na ang third party sa paghihiwalay nina Jason Hernandez at Moira dela Torre ay ang mismong handler nila sa Cornerstone.

Nakakaawa naman ang handler na si Mac dahil isinangkot agad ang kanyang pangalan samantalang wala pa namang makapagpapatunay na becki si Jason.

Bakit ngayon lang lumabas ang kuwentong becki si Jason? Pitong taon muna silang magkarelasyon ni Moira, tatlong taon na silang kasal, pero wala namang isyung lumabas na bakla pala ang musikero?

Kung ang magiging barometro natin ay ang mga hugot na piyesa ni Moira, di sana’y meron na siyang kinantang nagpaparinig sa pagkalalaki ng kanyang mister? Puwede ang titulong “Akala Ko’y Ginto, Pero Tanso Naman Pala.”

Pero wala namang ganu’n. Hindi kailanman lumabas ang isyung isa lang pala ang gusto nina Jason at Moira—lalaki. Kaya nakakaawa naman ang handler na isinasangkot sa hiwalayan.

Sana’y maplantsa pa ang gusot sa pagitan ng mag-asawa. Hindi lang naman sila ang may ganyang kuwento. Maraming personalidad nang nahuli ng kanilang misis na nangangaliwa pero magkasama pa rin naman hanggang ngayon.

Ang mahalaga ay ang pangako ng pagbabago. Ang hindi na uli magiging marupok ang lalaki. Ang magbabago na para sa ikagaganda ng kanilang pagsasama.

Ibang usapan na kung hindi na nila talaga mahal ang isa’t isa.