WebClick Tracer

NEWS

SolGen pinalulusaw DQ vs Marcos

Iginiit ni Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court (SC) na ibasura ang petisyon na humihiling na ipawalang-bisa ang certificate of candidacy ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa Office of the Solicitor General (OSG), “misleading” ang petisyon para sabihin na hindi kuwalipikado si Marcos na tumakbo para sa mataas na puwesto sa bansa.

Ayon kay Calida, kuwalipikado si Marcos na tumakbo sa pagkapangulo dahil hindi naman ito hinatulan sa isang pagkakasala na magbabawal sa kanyang tumakbo sa pampublikong posisyon.

Una nang naghain ng petisyon ang grupo na kinakatawan ni dating SC spokesperson Atty. Theodore Te para ikansela ang kandidatura ni Marcos.

Iginiit ng mga naghain ng petisyon na nahatulan umano si Marcos ng isang hukuman sa Quezon City dahil sa hindi paghahain ng kanyang income tax returns mula 1982 hanggang 1985 noong gobernador at bise gobernador pa ng Ilocos Norte.

Matatandaan na lahat ng petisyon para sa diskuwalipikasyon ni Marcos ay ibinasura ng Commission on Elections. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID