WebClick Tracer

METRO

Tanod, estudyante kinalawit ni Kamatayan sa picnic

Patay ang isang barangay tanod nang malunod sa lawa habang nagpi-picnic sa Taal Lake sa bahagi ng Sitio Tagbakin, Brgy. Halang, Lipa City, Batangas noong Sabado ng umaga.

Kinilala ng Lipa City Police ang biktima na si Edwino Manzanaris, 47-anyos at residente sa naturang siyudad.

Ayon sa report, dakong alas-10:00 ng umaga, kasama ang mga kapwa opisyal ng barangay, nag-swimming ang grupo sa lawa.

Mula sa sinasakyang balsang kawayan ay tumalon sa tubig ang biktima subalit hindi na ito lumutang kaya nagsagawa ng search and rescue ang mga kasama katulong ang mga residente sa lugar.

Makalipas ang isang oraw, natagpuan ang bangkay ng biktima na nakasabit sa mga damo sa ilalim ng lawa.

Samantala, nasawi rin ang isang 16-anyos na estudyante nang malunod sa ilog sa Brgy. Lambac, Pagsanjan, Laguna noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Luigi Banagua Eusebio

Ayon sa report ng Pagsanjan Police, dakong alas-kuwatro ng hapon ng Biyernes, kasama ng biktima ang kanyang apat na pinsang lalaki nang maligo sa Pagsanjan River.

Hindi sinasadyang napunta ang biktima sa malalim na bahagi ng ilog at lumubog. Tumawag na ng rescue team ang mga pinsan niya subalit inabot ng gabi ay hindi pa ito natagpuan.

Noong Sabado ng umaga, Hunyo 4, nang ipagpatuloy ang paghahanap sa kanya hanggang sa natagpuan din subalit patay na. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on