WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Sue umeksena sa Araneta

NI: BETH GELENA

Nagkaroon ng programa ang Governor’s Cup na nagsilbing host sina Gretchen Ho at Vhong Navarro.

Bawat team na kanilang pinakikilala ay hinihingan nila ng sample, pero mahiyain ang mga player.

Nang ipakilalana ang TnT na si Sue Ramirez ang muse ay hiningan siya ni Vhong ng sampol.

Walang kyemeng nag-“Paru-paro G” dance si Sue na kinaaliwan ng mga manonood na nasa loob ng Araneta Coliseum.

Anila: “Lakas talaga ng TNT nakuha si Sue. Nasa kanila rin yata si Kib “best point guard in Asia” Montalbo.”

Eh, di nga ba’t marami ang nagsasabing lucky charm si Sue ng boyfriend niyang Mayor-elect Javi Benitez.

Kaya tiyak daw na lucky charm din ng TnT team ang aktres na masungkit nila ang kampeonato.