WebClick Tracer

NEWS

Agri, manufacturing una kay BBM

Magiging prayoridad ng administrasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang agrikultura at manufacturing sector upang mapalago ang ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary at National Economic and Development Authority (NEDA) chief-designate Arsenio Balisacan, nagpulong ang mga miyembro ng gabinete ni Marcos noong Lunes upang masiguro na “we can hit the ground running” pagpasok nila sa kani-kanilang tanggapan sa Hulyo.

“We all agreed na our priorities should be in agriculture, manufacturing and the intention there is to raise productivity by completing the ongoing or nearly completed infrastructure. Ayaw natin dadaan sa sitwasyon na nangyayari in the past na kahit na… sometimes kahit maganda `yong project, maganda `yong infrastructure sometimes nahihinto, dahil lang sa nagbago ng administrasyon,” sabi ni Balisacan.

Inatasan umano ni Marcos ang mga miyembro ng kanyang gabinete na tukuyin ang mga high priority program at project na mabilis na maipatutupad habang naghahanda ng mga long-term priority.(Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID