WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Baril, granada binenta ng pekeng AFP sa pulis

Arestado ang isang lalaking nagpapanggap na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), matapos bentahan ng baril at granada ang pulis na nagpanggap na buyer sa Caloocan City, kamakalawa.

Mga kasong Violation of R.A.IO591 (illegal possession of fire arms and ammunition), Usurpation of Authority, Omnibus Election Code at R.A. 9516 (illegal possession of explosives ) ang ikinaso sa suspek na si Jun Lemana, 39, vendor, ng Maligaya St., Barangay 177 ng nasabing lungsod.

Bago ang pagkakadakip, may intelligence report na nakuha ang CIDG-NCR na nagbebenta ng baril at granada ang suspek sa Northern Metro area.

Matapos ang isinagawang validation, nagpositibo ang nasabing report.

Alas-6:00 ng gabi, ikinasa ng mga pulis ang buy bust operation sa gilid ng bahay ni Lemana.

Isa sa mga parak ang nagkunwaring buyer at bumili ng isang cal. 45 at granada sa suspek kaya naposasan ng mga awtoridad

Sa presinto, na-verify sa police record na miyembro ng “Andaya Criminal Group” si Lemana na linya sa gunrunning , robbery hold-up at illegal drugs activities. (Orly Barcala)