WebClick Tracer

NEWS

Carlos security adviser ni BBM, Abono cong DAR chief

Inanunsiyo ng kampo ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkoles ang dalawang bagong miyembro ng kanyang gabinete.

Base sa anunsiyo, kukunin ni Marcos si retired University of the Philippines (UP) Professor Clarita Carlos bilang National Security Adviser (NSA).

Habang si Abono party-list Rep. Conrado Estrella III ay itatalaga naman ni Marcos bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Inilabas ang kaugnay sa pagtatalaga sa dalawa sa gabinete matapos ang halos dalawang oras na pagpupulong nina Marcos, Carlos at Estrella sa BBM headquarters sa Mandaluyong City. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID