WebClick Tracer

SPORTS

Casio bida: Blackwater sinilat TNT

Mga aro ngayon (Ynares Center, Antipolo)
3:00 pm – San Miguel Beer vs NLEX
6:00 pm – Converge vs Magnolia

Ibinuhos ni Joseph Evans ‘JVee’ Casio ang huling pitong sunod na puntos ng Blackwater upang yanigin ang defending champion TNT, 85-78, sa 47th Philippine Basketball Association 2022 Philippine Cup elims sa Ynares Center sa Antipolo Huwebes ng gabi.

Sinarili ng 35-year-old, 5-foot-10 point guard ang pagdemolis sa Tropang Giga sa pagladlad ng antigong porma sa endgame pagkalas ng Bossing sa 78-all, at pagrekober din sa paglaho ng third period 13-point lead para sa magarang debut game.

Tumapos si Casio ng 22 points sa likod ng 5-of-11 3-point shot rekado pa ang 5 rebounds para sa Bossing na binulilyaso ang karibal na masolong maaga ang liderato sa pagsalya rito sa 1-1 win-loss slate.

Unang itinabla ni Roger Ray ‘RR’ Pogoy ang laro sa 78-all mula sa dalawang free-throws buhat sa pagkaiwan ng Tropa sa 64-51 sa third period,

‘Di naisalba ng 32 markers ni Pogoy ang TNT.

“We stuck with what it is working. It’s not every day you beat a champion team. If we play them 10 times, maybe we beat them once. Alam namin na we have a chance if we play together and play as a team,”suma ni Blackwater coach Ariel Vanguardia.

Ang iskor:

Blackwater 85 – Casio 22, Amer 11, Ular 10, Sena 10, Taha 10, Suerte 8, Ebona 7, McCarthy 4, Torralba 3, Melton 0, Dyke 0.

TNT 78 – Pogoy 32, Erram 10, Castro 10, Rosario 9, Alejandro 7, Khobuntin 4, Reyes 2, Montalbo 2, Ganuelas-Rosser 2, Tungcab 0, Marcelo 0, Banal 0.

Quarters: 15-17; 39-37; 64-53; 85-78. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID