WebClick Tracer

NEWS

P20 kada kilo ng bigas malabo – Estrella

Aminado si incoming Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III na mahihirapang maabot ngayon ang nais ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na maibaba sa P20 ang presyo ng kada kilo ng bigas.

Pero sinabi ni Estrella na posible itong maibaba sa P27 o P28 kada kilo.

“If you do serious pencil pushing, talagang pag-aaralan mo, `yong P20 eh mukhang sa ngayon medyo mahihirapan pa tayo, considering the, alam mo naman `yong presyo ng langis ngayon, pagkatapos `yong presyo pa ng abono,” paliwanag ni Estrella.

Nais umano ni Estrella na maging makatotohanan at hindi mag-window dress o pagandahin ang itsura ng sitwasyon.

“Siguro hanggang mga P27…. P28, puwede, puwede na `yan. Pero `yong P20, eh talagang pag-aaralan ko ng husto `yan, pag-aaralan namin ng husto at talagang magsusunog kami ng kilay para magawa natin `yan,” dagdag pa ni Estrella.

Binigyan-diin din ni Estrella ang pangangailangan na maturuan ang mga magsasaka ng paggamit ng tamang binhi, pagpapasuri ng lupa na kanilang sinasaka at gumamit ng modernong teknolohiya upang mapataas ang kanilang produksyon.

Sinabi ni Estrella na aasikasuhin din nito na mabigyan na ng titulo ang maraming agrarian reform beneficiaries upang magamit nila ang kanilang lupa bilang kolateral sa pangungutang ng puhunan. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID