WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Lisensiya ng RAV 4 driver binawi

Tuluyan nang kinansela ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng RAV 4 driver na si Jose Sanvicente na sadyang sumasaga sa isang security guard na nagmamando ng trapiko sa Mandaluyong City kamakailan.

Sa pagbeberipika sa pamamagitan ng LTO system, lumilitaw na ang RAV 4 driver na si Sanvicente ay tatlong ulit nang naaresto sa kasong reckless driving noong 2010, 2015 at 2016.

“The LTO finds Respondent Sanvicente liable for Reckless Driving and for violating Section 55 (Duty of driver in case of accident) of R.A. 4136 when he abandoned the scene and the victim. Together with his disregard for the authority of the Land Transportation Office, his acts are considered unacceptable behaviors of a driver. Taken as a whole, his actions are tantamount to the acts of an improper person to operate a motor vehicle pursuant to Section 27 (a) of R.A. 4136 otherwise known as the “Land Transportation and Traffic Code,” batay sa inilabas na pahayag ng LTO at siya ay hindi na makakakuha pa ng driver’s license at magmaneho ng sasakyan.

Una dito ay dalawang beses na pinadalhan ng Intelligence and Investigation Division ng LTO ng show cause order ang RAV 4 driver pero dalawang beses din itong ‘no show’ sa pagdinig. (Dolly Cabreza/Kiko Cueto)