WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Mister ni Sharon ‘di umapir: Bakit ikaw lang ang humingi ng tawad sa mga Sotto?

NI: CRISTY S.FERMIN

Napakalaking tinik ang nabunot sa lalamunan ni Sharon Cuneta nang maganap ang pagkikita-pagkakaunawaan nila ng pamilya Sotto. Nagkaroon na ng kapayapaan ang kanyang kalooban.

Sa kabila ng sakit na naramdaman ng pamilya nina Senate President Tito Sotto at Tita Helen Gamboa ay natagpuan agad nila ang pagpapatawad sa kanilang puso.

Ang magkakapatid na Lala, Apple at Ciara ang gumawa ng paraan para matuldukan na ang hindi nila pagkakaunawaan ng Megastar. Panganay na kapatid kung ituring nila ang Megastar.

Ayaw pa ring tantanan ng mga bashers ang singer-actress, tanong sa kanya ng mga ito, “Bakit ikaw lang ang humingi ng tawad sa mga Sotto? Nasaan ang ambisyoso mong asawa na pinakaugat ng away n’yo?”

Natural, ang nakikita lang ng mga kontra kina Sharon at Senador Kiko Pangilinan ay ang ginawang pakikipagsalpukan nito kay SP Tito nu’ng nakaraang halalan, pero pareho silang hindi nagtagumpay.

Ngayon ay malinaw na malinaw na kay Sharon na ang pamilya ay pamilya. Mas matimbang ang dugo kesa sa tubig. Ang pamilya Sotto na lang ang tinatakbuhan niya kapag meron siyang problema.

Palaging nakahanda ang magkabilang tenga ng pamilya Sotto sa mga pagkakataong halos wala na siyang kakampi sa mundo. Nakikihalakhak sa kanyang tagumpay at nakikiiyak sa kanyang mga kabiguan.