WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Shawie inurot na sagipin si KC sa Hollywood movie

NI: ARCHIE LIAO

May ginagawang Hollywood movie si KC Concepcion pero sa pinansiyal na kadahilanan ay natigil ito.

Ang kanya namang inang si Sharon Cuneta ay may nakatakda ring gawing Hollywood movie na iko-coproduce ng aktres na base sa Palanca award-winning novel na “The Mango Bride.”

But speaking of KC, usap-usapan ang emote nito sa social media na humihingi ng tulong para matapos ang kanyang pelikulang “Asian Persuasion.”

Aniya, tapos na raw ang pelikula pero kailangan ang karagdagang pondo para sa post-production nito.

Sey pa ni KC, gusto raw niyang makumpleto na ang buong pelikula para naman magkaroon ng tsansa ang mga Pinoy na ma-represent sa international stage.

Hirit pa niya, malapit daw sa puso niya ang proyekto dahil ito ang pagkakataon na ang isang Pinay na tulad niya ay mabibigyan ng boses sa pamamagitan ng kanyang role sa buong mundo.

Dahil sa panawagan niyang ito, marami tuloy ang nang-uurot na bakit hindi siya lumapit sa kanyang inang si Sharon na kayang-kaya siyang tulungan.

May ilang kibitzers pang nang-uurot sa Megastar to come to the rescue sa kanyang sa kanyang panganay.

May mga nagmamahadera pang nagsabing kung kaya nitong maging executive producer ng gagawing Hollywood movie, kaya rin nitong isalba ang pelikula ng kanyang daughter na malapit nang matapos.

Kaya naman, abangers ang mga sawsawera at katkatera kung dededmahin ba ng Megastar ang panawagan ni KC? By now ay siguradong nakarating na sa kanya o kusa itong mag-aalok ng tulong para magkaroon ng katuparan ang pangarap ng anak to make it in Hollywood.