WebClick Tracer

NEWS

Bato bukas sa legal na e-sabong

Nagpahayag ng kahandaan si Senador Ronald `Bato’ dela Rosa na suportahan ang legal na operasyon ng e-sabong sa bansa.

Sinabi ito ni Dela Rosa matapos pasalamatan si Pangulong Rodrigo Duterte dahil binigyan aniya ng timbang ang masamang epekto ng e-sabong sa publiko kaysa sa nakokolektang bilyong-bilyong kita ng gobyerno mula sa naturang sugal.

“After all, revenues lost are recoverable but lives lost are forever gone,’’ sabi ni Dela Rosa, chairperson ng Senate committee on public order na siyang nag-imbestiga sa mga nawawalang sabungero.

Ayon kay Dela Rosa, kontra siya sa sugal subalit hindi niya pangungunahan ang papasok na administrasyon sakaling magpasya na ituloy ang e-sabong operation sa bansa.

Nakahanda aniya ang Senado na magpasa ng kinakailangang batas para maayos na ma-regulate ang e-sabong at mabawasan ang masamang epekto nito sa publiko.

“Personally, I am anti-gambling but I don’t want to preempt the decision of the incoming administration. Should it decide to continue e-sabong operations the Senate is ready to provide the needed legislations in order to have it properly regulated and hopefully minimize the social costs it may bring,” sabi ni Dela Rosa. (Dindo Matining)