WebClick Tracer

METRO

Kelot kinatay ng katagay

Dead on the spot ang isang magsasaka matapos itong tadtarin ng saksak ng nakainuman sa Lipa City, Batangas, Huwebes ng gabi.

Sa report ng Lipa City police, matutulog na sa kanyang kubo sa pinatatrabahuhang farm sa Barangay Lumbang ang biktimang si Eging Escorial, 44, tubong Negros Oriental nang sundan at pagsasaksakin ng 24-anyos na si Cesario Costanilla Jr, tubong Dumaguete City.

Sa imbestigasyon, magkasama sa inuman ang dalawa bago ang pananaksak alas-7:30 ng gabi.

Nabatid na nagtalo ang mga ito habang nag-iinuman.

Upang makaiwas sa gulo, nagpaalam na ang biktima subalit sumunod ang suspek at saka pinagsasaksak.

Nagtamo ito ng mga tama sa ibat-ibang bahagi ng katawan at namatay noon din.

Naaresto naman ang suspek matapos ang krimen. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on