WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Rhose may mga ibubunyag

Sina outgoing Games and Amusements Board chairman Baham Mitra at NBL finals protagonists ang bisita sa balik-online na Philippine Sportswriters Association Forum ngayong Martes, June 21.

Sa unang bahagi ng session, ibibida ni Mitra ang achievements ng kanyang tanggapan sa nakalipas na anim na taon.

Hihimayin naman ni NBL executive vice president Rhose Montreal ang NBA President’s Cup title series sa pagitan ng Pampanga Delta at DF Republicans, at ang showdown ng PSI Lady Air Defenders at Philippine Army Lady Battalion sa WNBL finals.

Hatid ng San Miguel Corp., Milo, PSC, POC, Unilever, Amelie Hotel Manila at PAGCOR ang public sports program na magsisimula ng 10 am.

Naka-livestream ito sa PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at sa Radyo Pilipinas 2 FB page. (Vladi Eduarte)