WebClick Tracer

NEWS

DFA Exec bet ipalit kay Locsin

Isang beteranong diplomat ang napipisil ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na ipalit sa puwesto ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr.

Batay sa eksklusibong ulat ng Politiko online news, kinokonsidera ng kampo ni Marcos na italaga bilang kalihim ng DFA si Enrique Manalo, ang permanent representative ng Pilipinas sa United Nations.

Ito’y dahil sa malawak na karanasan ni Manalo sa international relations at mahigit apat na dekada nang paglilingkod sa DFA.

Nabatid na nagsimula si Manalo bilang special assistant sa Office of the Deputy Minister ng DFA noong 1979 hanggang sa itinalaga siyang kinatawan ng Pilipinas sa UN noong 2020.

Hinawakan din ni Manalo ang iba’t ibang diplomatic post kabilang na rito ang First Secretary at consul ng Philippine Embassy sa Washington D.C., DFA undersecretary for policy, naging ambassador sa Begium at Luxembourg mula 2010 hanggang 2011 at envoy sa United Kingdom mula 2011 hanggang 2016.

Nagtapos si Manalo ng economics sa University of the Philippines at naging acting secretary ng DFA matapos ibasura ng Commission on Appointments ang ad interim appointment ni Perfecto Yasay Jr.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID