WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Rob ‘pinagsaluhan’ ng 3 lalaki

NI:ARCHIE LIAO

Ibinigay na nang todo ni Rob Guinto ang lahat ng kanyang makakaya para sa role ng probinsyanang naging biktima ng flesh trade .Pinagpasasaan siya ng mga barako sa lihim na prostitution den sa loob ng gubat sa pelikulang “Virgin Forest.”

Tatlong lalake ang domonselya sa kanya:sina Markki Stroem, Ivan Padilla at Greg Hawkins.

Para kay Rob, kung nakita man ang kanyang flower in full glory, kailangan daw naman ito sa konteksto ng pelikula dahil tumatalakay ito sa kuwento ng paglapastangan kay Inang Kalikasan.

Aniya, feeling naman niya ay hindi na-violate ang kanyang pagkababae dahil maginoo raw naman ang mga gumanap na rapists niya.

Kahit daw nalamutak siya, ginawa raw niya iyon para sa ikagaganda ng pelikula.

Dagdag pa niya, inalalayan daw naman siya ng tatlo na medyo nahihiya pa sa ginawa nila.

Sa kaso raw ni Greg,dating Kuyang Escort ng It’s Showtime, sobrang ninenerbiyos daw ito dahil una nitong sumabak sa ganoong kaselang mga eksena.

Katunayan, siya pa nga raw ang nagturo at nagbinyag kay Greg kung paano itatawid ang rape scene nila.

Hirit pa niya, kahit inglesero raw ang mga ito, feeling naman niya ay hindi siya na-nose bleed o nagkaroon ng communication barrier sa mga ito.

Kahit tomodo na, pakiramdam naman niya ay meron pa siyang ipakikita pagdating sa acting sa kanyang forthcoming projects.

Mula sa produksyon ng Centerstage Productions at sa direksyon ni Brillante Mendoza, tampok sa “Virgin Forest” sina Sid Lucero, Vince Rillon, Angeli Khang, Kat Dovey at Micaella Raz na streaming na sa Vivamax .