WebClick Tracer

METRO

19 tulak timbog sa P1M shabu

Mahigit P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa 19 na suspek na nabitag sa serye ng buy-bust operation sa Quezon City nitong Biyernes ng gabi.

Nakilala ang mga naaresto na sina sina Fetima Watamama, 38; Rowena Gianan, 42; Raymond Dela Cruz, 31; Ervin Ruel Casidsid, 32; Sameer Abdul Rahim, 32; Dheter Breva, 41; Ellen Escarpi, 36; Melvin Mark Isidro, 36; Kenji Estrella, 24; Sandy Sanchez, 40; Daniel Sky Taguiam, 23; Manolito Dela Cruz, 53; Joel Gado, 38; Joseph Beran, 38; John Micheal Ricafort, 24; Cristina Escalada, 40; Angela Manansala, 47; Roldan Paguican, 49; Mansur Hajiali, 36-anyos.

Dinakma ang mga suspek sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng mga operatiba ng Quezon City Police District sa Galas, Holy Spirit, Fairview at Batasan.

Kalaboso na ngayon ang mga suspek dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o pagtutulak at pag-iingat ng shabu. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID