WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

15 bagyo pa raragasa sa `Pinas

Pinaghahanda ng weather bureau ang publiko dahil inaasahang nasa 15 bagyo pa ang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong taon.

Ayon kay Ana Solis, climate monitoring chief ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bahagyang humina ang La Niña subalit iiral pa rin ito hanggang sa pagtatapos ng taon kaya asahan ang malaking tsansa ng higit na pag-uulan sa ilang lugar sa bansa bunsod ng nasabing phenomenon.

Sinabi ni Solis na sa Hulyo, Agosto, Setyembre at Nobyembre nasa dalawa hanggang tatlong bagyo ang papasok sa bansa at tatlo hanggang apat naman pagsapit ng Disyembre ang mabubuo sa PAR.

Pagpasok aniya ng buwan ng Hulyo ay mababa ang tsansa ng mga bagyo na magdadala ng malalakas na pag-ulan ngunit maaaring magkaroon ng malalakas na unos sa huling quarter ng taon.

Samantala, nasa loob pa rin ng PAR ang bagyong `Caloy’ subalit malayo ito sa kalupaan kaya walang nakataas na storm warning signal sa anumang bahagi ng bansa. (Tina Mendoza)