WebClick Tracer

METRO

Binata swak sa creek, tigok

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Cavite Police hinggil sa pagkamatay ng isang binata na nahulog sa creek matapos magsuka sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA), Cavite, Martes ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Carsigma Hospital ang biktimang si Jeffrey Abello, 28, construction worker, taga-Brgy. Dacon, GMA, Cavite

Sa salaysay ng saksi na si Michael Dumas kay PSMSgt Roy Poblete, ng GMA Police, alas-2:45 kamakalawa ng hapon nang marinig niya ang biktima na nagsusuka at mahulog sa sapa sa Brgy Macario Dacon, GMA, Cavite.

Tinangkang tulungan ni Dumas ang biktima pero humingi ito ng tubig kaya agad kumuha tubig ang una pero pagbalik ay hindi na gumagalaw ang biktima.

Humingi siya ng tulong sa mga barangay officials at isinugod sa ospital ang binata subalit idineklara ng dead on arrival. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID