WebClick Tracer

METRO

Broadcaster pinabulagta ng rider

Binawian ng buhay ang isang radio broadcaster nang barilin ng hindi kilalang salarin sa labas ng kanyang bahay sa Cagayan de Oro kahapon.

Sa report, ayon na rin sa salaysay ng mga kapitbahay, pagkababa ng biktimang si Federico ‘Ding’ Gempesaw sa minamanehong taxi ay nilapitan ito ng isang lalaki at saka binaril.

Tumakas agad ang suspek gamit ang motorsiklo.

Nabatid na si Gempesaw ay isa ring anchor sa isang radio program kung saan suma-sideline na taxi driver. Kilala rin ito bilang aktibong myembro ng isang local political party.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang naganap na krimen at inaalam ang motibo ng pagpatay. (AMDJ)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID