WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

MMDA, LTO pinalakas kampanya vs mga pasaway na tsuper

Nilagdaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Land Transportation Office (LTO) ang isang kasunduan para magkaroon ng ugnayan sa kanilang data system upang maging mas mabilis ang pagpapalitan ng impormasyon ukol sa mga tsuper na pasaway sa trapiko.

Sa ilalim ng kasunduan na nilagdaan nina MMDA chairman Romando Artes at LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante, itinatag ang isang system interconnectivity project para sa naturang layunin laban sa mga pasaway na drayber.

Puntirya ng kasunduan na pabilisin ang pagtukoy at paghuli sa mga pasaway na tsuper na masasangkot sa maraming insidente ng paglabag sa trapiko.

Nabatid na gagamitan ito ng CCTV, mga digital camera at iba pang gadget o teknolohiya para hulihin ang mga sasakyang lumalabag sa mga regulasyon sa trapiko. (Betchai Julian)