WebClick Tracer

SPORTS

Amer, Bossing ginimbal Bolts

STANDING
TEAM W L
San Miguel 5 1
Ginebra 4 1
Blackwater 4 1
TNT 6 2
NLEX 3 2
Magnolia 3 3
Meralco 3 3
NorthPort 2 4
Phoenix 2 4
Converge 2 4
Rain or Shine 1 5
Terrafirma 0 5

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
3:00 pm – TNT vs Terrafirma
6:00 pm – Ginebra vs Converge

Walang kabang isinalpak ni Baser Amer ang krusyal na pabandang jumper sa natitirang 1.7 segundo upang yanigin ng Blackwater ang Meralco, 90-89, sa 47th Philippine Basketball Association 2022 Philippine Cup elilinations sa Smart Araneta Coliseum Huwebes ng gabi.

Hindi inaksaya ni Amer ang ibinigay na pagkakataon sa kanya ni Bossing coach Ariel Vanguardia kung saan 2-of-10 ito sa laro bago naipasok ang kanyang pang-apat na puntos sa laro at iakbay ang kanyang kampo sa bakanteng Barangay Ginebra San Miguel sa segunda sa 4-1 win-loss slate.

Pero sina rookie Renato Ular at Joseph Evans Casio ang namayagpag sa opensiba ng Blackwater sa tig-19 puntos. Kumalawit pa ng 15 rebounds ang una upang balyahin ang Bolts pabagsak sa pang-anim anim kabuhol ang Magnolia Chicken Timplados sa 3-3.

“Sobrang saya ko sa panalo naming na ito. Iyun talaga ang pinagtutunan ko sa laro, na matulungan ang team ko. Sa training pa lang, nagtutulungan na talaga kami kaya masasaya kaming lahat,” ani Ular.

“Tsamba lang. I don’t want to take away the win from the boys. Magaling ang kalaban namin. I told Baser bago ang play, this is your game. Talunin mo ang dati mong team. It takes a Meralco player to win on his former team,” hirit ni Vanguardia.

Ang iskor:

Blackwater 90 – Ular 19, Casio 19, Suerte 15, McCarthy 12, Rosser 8, Taha 8, Amer 6, Ebona 2, Sena 1, Escoto 0, Ayonayon 0, Publico 0.

Meralco 89 – Newsome 23, Quinto 18, Banchero 14, Almazan 12, Hodge 6, Caram 6, Baclao 5, Hugnatan 2, Pasaol 2, Jose 1, Black 0.

Quarters: 18-30, 43-46, 70-69, 90-89. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID