WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

BANTAY SERYE: ‘First Lady’ babu na bukas

NI: ROLDAN CASTRO

Puno ng rebelasyon at plot twists ang much awaited finale ng top-rating GMA primetime series na “First Lady” bukas, July 1.

Aminado si Gabby Concepcion na mami-miss niya ang bonding ng cast lalo’t naging malapit sila sa isa’t isa habang nasa lock-in taping, “Marami kaming fun memories together and we’ve developed true friendship talaga.”

Nalulungkot din daw si Sanya Lopez sa pagtatapos ng serye pero excited na siya sa kanyang upcoming projects, “Mami-miss ko ‘yong tawanan at kulitan namin sa set pero looking forward din sa mga bagong opportunity na darating sa mga buhay namin.”

Sino nga ba kina President Glenn (Gabby) at Melody (Sanya) ang tatakbong pangulo ?

Abangan iyan at ang iba pang sorpresa sa huling episode ng First Lady bukas ng gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.