P6B ayuda ibubuhos sa 6 milyong pobre

Inanunsiyo kahapon ng Department of Budget and Management (DBM) na inilabas na nito ang P6.2 bilyong pondo para sa unang targeted cash transfer o ayuda sa mga mahihirap na Filipino.

Mga appointee ni Duterte sibak

Idineklara nang bakante ang mga posisyon sa lahat ng ahensiya at departamento ng gobyerno ng mga appointee at co-terminus na mga kawani na nagsilbi sa katatapos na administrasyong Duterte epektibo Hunyo 30, 2022.

2nd booster shot sa mga marino, OFW tinukuran

Hiniling ng Department of Health (DOH) sa Food and Drug Administration (FDA) na palawakin ang pagbibigay ng pangalawang booster shot sa mga marino at overseas Filipino worker (OFW).

Piso kontra dolyar lumagapak sa P55.31

Napatid ang piso at lumagapak sa P55.31 ang pinakamababang palitan nito laban sa dolyar mula noong 2005, sa unang araw ng pormal na pag-upo ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Landbank binuking sablay na Pantawid Pasada listahan

Pinuna ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga local government unit (LGU) at ang Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa matagal na pagkaantala ng pamamahagi ng ayuda sa mga tricycle driver sa gitna ng napakataas na presyo ng diesel.

Sundalo tigok sa 30-minutong ratratan

PATAY ang isang sundalo matapos makasagupa ang ilang miyembro ng New People’s Army (NPA) ng tropa ng Philippine Army (PA) 52nd Division Reconnaissance Company sa bulubundukin ng Conner, Apayao kamakalawa ng hapon.

PBBM, pamilya sa Bahay Pangarap titira

Sa Bahay Pangarap na tinirhan ng dating pangulong Rodrigo Duterte ang napili umanong magiging official residence ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng pamilya nito.