WebClick Tracer

NEWS

6,399 bagong kaso ng COVID, NCR 52% itinaas

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,399 bagong kaso ng COVID-19 mula Hunyo 25 hanggang nitong Hulyo 1, 2022.

Ayon sa DOH, tumaas na sa 914 ang kaso kada araw ng coronavirus na naitala sa bansa.

Subalit nananatili umano sa low risk ang healthcare utilization rate sa lahat ng rehiyon sa bansa. Nabatid na nasa 1.5% lamang ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID na pinasok sa mga ospital.

Nasa 8,706 na ang kabuuang aktibong kaso hanggang nitong Hulyo 1 kung saan 8,566 ang asymptomatic, mild, o moderate ang sintomas.

Habang 140 naman ang kritikal o malubha sa virus.

Kinumpirma rin ng DOH na mayroong 58 bagong bilang ng mga nasawi at 3,761 ang nakarekober.

Samantala, sinabi rin ng DOH na tumaas ng 52% ang mga kaso ng COVID sa National Capital Region na mas mataas kumpara sa nai-report noong nakaraang linggo.

Nakapagtala umano ng 442 bagong COVID case sa NCR mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 1 o mas mataas ng 151 kaso kaysa sa naitala na 291 noong nakaraang linggo. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID