WebClick Tracer

SPORTS

Superal sosyo sa pang-15

Sinimulan ang araw na katabla sa liderato, nanlamig sa third at final round si Princess Mary Superal sa six-over par 78 upang saluhan sa 15th place si Chommapat Pongthanarak sa 9th Thai Ladies Professional Golf Association Tour Leg 7 Singha-BGC 6th Thai LPGA Championship sa Singha Park Golf Club sa Khon Kaen, Thailand Biyernes.

Nagkaroon ng double bogey sa pang-18 butas ang nag-iisang pambato ng ‘Pinas na kinakalinga ng International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI), upang wakasan ang 54-hole sa 2-over 218, anim na palo ang layo kina Wannasiri Sirisampant (70) at Patcharajutar Kongkraphan (72).

May 73 si Pongthanarak para makatanggap ng ฿23,050 (P35K) gaya ng 25-anyos na dalagang Pinay, samantalang sinubi ni Sirisampant ang ฿156K (P241K) na nagkampeon sa pag-alpas sa kababayang Thai sa playoff. (Ramil Cruz)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID