WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Toni tinangging namalimos ng datung

BETH GELENA

May poser na gumagamit ng account name ni Toni Gonzaga kaya naman nagbigay siya ng babala sa publiko.

Nanghihingi umano ang poser ng digital gift at kadatungan.

Ini-screenshot ng actress-TV host ang nagpapanggap na siya para ipakita ang poser account.

Pino-promotepa ng poser ang bagong vlog ni Toni nang sa ganun ay maniwala ang subscribers na siya mismo si Toni.

Ani Toni sa kanyang official account , “We don’t ask for money. this is a fake account. If you can also report. Thank you so much.”

Marami nga raw ang gumagamit ng account name ni Toni.

Magmula raw nang na-link ang name nilang mag-asawa na si Direk Paul Soriano kay President Ferdinand Marcos Jr., ang dami nang poser ang gumagamit ng kanyang pangalan.

Pero binabalewala naman daw ‘yun ng aktres.

Kaya lang ibang usapan na raw ‘yung may money involved kaya siya nag-react.

Hiling niya sa kanyang subscribers at followers na ‘wag maniniwala sa poser.Never daw niyang ginawa sa kanyang followers na humingi ng digital gift.