WebClick Tracer

SPORTS

Black, Meralco kakalusin ROS

Isa sa Meralco at Rain or Shine ang babalik sa win-column ng PBA Philippine Cup elims pagkatapos ng salpukan sa Smart Araneta Coliseum ngayong Miyerkoles.

Dalawang sunod na sadsad ang Bolts (3-3), huli nang takasan ng Blackwater 90-89 noong Huwebes.

Burado naman ang Elasto Painters sa San Miguel Beer 99-93 noong June 29. Pagkatapos ng panalo noong opening day ay nalimahang sunod na talo na ang RoS.

Nasa US si coach Norman Black, dinalaw ang may sakit na ina.

“We really have to pick things up moving forward,” ani Black pagkatapos ng talo sa Bossing. “Whenever you lose, it’s a big concern because you’re going down within the standings. Now we’re 3-3.”

Balikwas ang mga pangunahing pamato ng Bolts kina Allein Maliksi, Aaron Black, Chris Newsome.

Bubuwelta naman sina Rey Nambatac, Santi Santillan, Mike Nieto, Jewel Ponferada para sa Painters. (Vladi Eduarte)