WebClick Tracer

METRO

2 traffic enforcer nangotong ng foreigner

BUKING ang pangongotong ng dalawang traffic enforcer nang magsumbong ang inaresto nilang Dutch national dahil sa traffic violation sa Bacoor City, Cavite Martes ng gabi.

Kinilala ang traffic enforcers na si Albert Velasquez at Carl Xavier Galang, ng Bacoor Traffic Management Department dahil sa reklamo ng dayuhang si Marek Moens.

Sa imbestigasiyon ni Pat. Marco Romero Cupo, ng Bacoor City Police, minamaneho ni Moens ang motorisklo niyang Honda TMX sa Aguinaldo Highway nang pagsapit sa may SM Bacoor ay parahin ng dalawang traffic enforcer dahil sa umano’y traffic violation nito alas-7:00 kamakalawa ng gabi .

Imbes na tiketan, hiningan umano ng dalawa ang dayuhan ng P4,000.

Inabot umano ni Velasquez ang nasabing pera at ipinasa ito kay Galang, pero nagsumbong ang biktima kina PSSgt Arnold Mendoza at Pat Kempee Lopez ng Mobile Patrol Unit na ikinaaresto ng dalawa at pagkakabawi ng pera. (Gene Adsuara)