WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Titser, 4 pa tiklo sa P2M shabu

Binitbit ng mga awtoridad ang isang guro at apat pa matapos makumpiskahan ng higit P2 milyong halaga ng shabu sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Tuburan, Cebu, nitong Miyerkules.

Unang nadakma si Brendo Aringay Villafranca, 34, public school teacher at taga-Barangay Kansi, Tuburan. Nasamsam sa kanya ang isang pakete ng shabu na nagkakahalagang P2,000.

Sunod namang nadakip ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA 7) si Lilia Hernane, 52, sa Bamboo Village, Barangay Basak Pardo. Nakumpiskahan ito ng 5 gramo ng shabu na aabot sa halagang P34K.

Sa Barangay Cayang, Bogo City, ay nadakip si James Paul Yuson Villegas, 30, nasa listahan ng high-value ng Bogo Police Station at nakunan ng 192.48 gramo ng shabu na P1,258,816.

Nadakip din sina Ronnel Ledesma Cabaron, 42, ng Talisay City na nakumpiskahan ng 50 gramo ng shabu [P340,000] at Jojie Diaz, 27, 53 gramo ng shabu [P360,400]. (Dolly B. Cabreza)