WebClick Tracer

SPORTS

Villarias, Vanguards winasiwas Heroes

Giniyahan ni John Byron Villarias ang limang tropa na gumapas ng 10 puntos pataas nang araruhin ng Nueva Ecija Rice Vanguards ang Laguna Heroes Krah Asia, 109-79, sa OKBet 4th Maharlika Pilipinas Basketball League regular season game sa Nueva Ecija Coliseum sa Palayan City nitong Martes ng gabi.

Umiskor si Villarias ng 17, 14 si Bobby Balucanag, 13 si William Bill Jr. Mcaloney, 11 si Hesed Gabo at 10 si Renz Palma para sa otso diretsong ragasa sa gayung daming sabak ng Novo Ecijanos upang masolo ang pangkalahatang tuktok at ang North Division.

‘Di naisalba ng 25 markers at 11 rebounds ni Virgilio Serios ang paghaba ng bangungot ng Heroes sa apat at pangkalahatang baraha sa 1-5 na nagpasalampak sa pangsiyam sa South Division.

Iniwan ng Laguna sa anim ang NE, pero nang magbanat na ng buto ang host team lumayo ng hanggang 36. (Annie Abad)