May post si Senator Bato dela Rosa hinggil sa kanya umanong mamahaling relos na iniintriga.
Aniya: “sa mga u__l dyan na mga marites, naisahan ko rin kayo! Yung relo ko na seikopatik na 14K php ginawa ninyong patek philippe na 360m php. Hahahaha.”
Isang netizen ang nagkomento sa relo at siya ay si @senyora.
Aniya: “may tsismis ba dito senator?”
Sagot ng senador, “@senyora, yan relo na yan ay kinopya ng seiko sa patek philippe tiffany blue na nagkakahalaga ng 6.5m dlrs at wala ka.pang mabili dahil limited edition. May umuwi galing japan na dala dala yan at ibenenta sa akin sa halagang 14k. Heto na ngayon kumagat ang mga intrigero. Swak sila. Hahaha”
Sey ng isang netizen, “Si Gretchen (Barretto) yata pinatamaan nyang Marites lol”
Ilang buwan na rin naman ang lumipas nang punahin ni Gretchen ang suot na relos ni Senator Bato.
Nagkairingan ang dalawa ng dahil sa e-sabong.
Tanong naman ng isang commenter, “Ang tagal na pinuna yan, ngayon lang ang resbak?”
Pinuna naman ang salita na ginamit ni Bato, “Ul_l and marites words from a PH senator! Ang lala!!!”
Sa huli ay may nagtanggol kay La Greta, “Fyi, hindi si Greta ang pinaparinggan nya. ‘Yung isang IG account na nagpost na Philippe Patel Yan worth 300m+ daw eh fake news pala dahil Seiko”
Tila tikom naman si Gretchen sa isyung ito ni Bato. Hindi pa aktibo ang kanyang Instagram account.