WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Suspek sa tsinuging dalaga, timbog

Naaresto na ng awtoridad kahapon ang suspek na brutal na pumatay sa dalaga na natagpuan sa isang sapa sa Guiguonto, Bulacan.

Sa ulat ni Col. Charlie Cabradilla, Director ng Bulacan Police Provincial Office, masusi na nilang iniimbestigahan ang suspek na si Darwin de Jesus, ng Barangay Tabang.

Bandang alas- 3:45 ng hapon nang madakip ang suspek.

Ayon kay barangay Chairman Darsee Alvarez, ng Ilang-ilang, nakatanggap sila ng impormasyon na ang suspek ay nagtatago sa bahay ng ina, matapos ang brutal na pagpatay kay Princess Dianne Dayor, 24,

ng barangay Tabang kaya isinagawa ang pagdakip.

Natagpuan noong Martes ang bangkay ng biktima sa Barangay Tikay sa Guiguinto.

Nabatid na papasok sa trabaho sa isang shoe company sa Pulilan ang biktima nang patayin sa sakal ng holdaper matapos manlaban. (Betchai Julian)