WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Tonite VISAYAS / MINDANAO

Baboy pinagparausan, dinugo sa manyakis

Isang lalaki ang wanted ngayon sa pulisya matapos umano nitong gahasain ang isang baboy sa bayan ng Argao, Cebu.

Pinaniniwalaang hinalay ang baboy na pag-aari ni Barangay Bug-ot, Argao secretary Pamela Bancale matapos madiskubre ng kanyang asawa na nagdurugo ang ari ng kanilang alaga noong Lunes ng madaling-araw, Hulyo 4, batay sa report ng SunStar.

Nakita rin malapit sa baboy ang isang shorts na pinaniniwalaang naiwan ng suspek.

Pinag-iisipan na ng mag-asawa kung ibebenta ang baboy na plano sana nilang gawing inahin ngunit natakot si Bancale na maaring naapektuhan ang sex organ ng hayop at hindi na magkaroon ng mga biik.

Samantala, nangangamba si Major Michael Roque, hepe ng Argao Police, na baka umatakeng muli ang “rapist” na hindi pa nakikilala, at sa pagkakataong ito, mga babae naman ang targetin niya.

Dahil dito’y inatasan niya ang kanyang mga tauhan na agad hanapin at arestuhin ang suspek. (IS)