WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Dennis, Julie Anne, Barbie pasabog sa ‘Maria Clara at Ibarra’

NI:ROLDAN CASTRO

Hindi talaga nauubusan ng mga sorpresa ang GMA-7 dahil isang kakaibang serye na naman ang ihahain nila sa Kapuso viewers.

Kasado na nga ang upcoming series na ‘Maria Clara at Ibarra’ na historical portal fantasy ang tema.

Ang programang ito ay pinagbibidahan nina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, at 2016 Fantasporto International Best Actress and Primetime Princess Barbie Forteza.

Ito ay kwento ng isang Gen Z na mapupunta sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal at makikilala ang mga tauhan sa mga kwento nito kabilang na sina Maria Clara at Ibarra.

Abangan ang kakaibang historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra sa GMA.