WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

IRONMAN Cebu dagsa dayo

Makikipaggitgitan ang top age-group triathletes sa iba’t ibang panig ng mundo kontra local aces sa race against time IRONMAN 70.3 Philippines na aarangkada sa Agosto 7 sa kapana-panabik pero mahirap na course sa Mactan, Cebu.

Nasa 68 ang isasabak ng Singapore, 66 ang Malaysia, 58 ang US, 44 ang Hong Kong at 42 ang Japan sa mapaghamong 1.9 km swim, 90km bike, 21k run event na lalarga paalis at pabalik sa Mactan Newtown sa Lapu-Lapu City.

Magmamarka ito sa pagbabalik ng premier endurance race sa Cebu sa new normal na may 1,896 entries na mula sa 42 bansa ang mga nagkumpirma, tatlong linggo bago ilarga ang event na pangalawa sa nakalinyang tri-sport races sa taong ito ng organizer IRONMAN Group/Sunrise Events, Inc.

May tig-26 ang Australia at United Kingdom na may matitinik na triathletes sa daigdig, samantalang ang Korea, China ay may tig-22, at ang malakas ding France ay may 18.

Papasabog sa local casts si Satar Salem ng Lanao del Norte na naghari sa Sun Life 5150 Triathlon sa Panglao, Bohol sa buwang ito sa nalalapit na event na mga iisponsoran ng Megaworld at The Mactan Newtown, at prisintado ng AIA Vitality.

Bukod sa overall individual crown, may 12 iba pang mga titulong paglalabanan sa 18-24, 25-29, 30-34, 35-39, 40-44, 45-49, 50-54, 55-59, 60-64, 65-69. 70-74 at 75-and-above. Gayundin ang CEO division sa kompetisyong mga suportado ng Active, Breitling 1884, Gatorade, Hoka at ROKA.

Ang iba pang mga kalahok ay mula sa Norway, Italy, Saudi Arabia, Germany, Brazil, South Africa, Macau, Thailand, Montenegro, Indonesia, Cambodia, India, Bermuda, Belgium, Vietnam, Spain, Denmark, Netherlands, Taiwan, Guam, Canada, Ukraine, Russian Federation, Kenya, Ireland, Sweden, New Zealand, Czech Republic, Switzerland at Poland.

May pag-aagawan ding trophies at medals sa relay (male at female) at relay mixed.

Kasagsagan na ang parehistruhan na aabutin sa linggo ng karera. Sa mga detalye pa, bisitahin ang www.ironman.com/philippines70.3 na may official hashtags: #IM703Philippines at #IMasia, social media (Facebook) Megaworld IM703 AIA Vitality at im703ph (Instagram).

Ang iba pang umaayuda sa IRONMAN 70.3 Cebu ay ang Athletic Brewing Co., Hyperice, Santini, Wahoo, Fulgaz, City of Lapu-Lapu, CCLEX, Municipality of Cordova (Cebu), City of Cebu, Lalamove, Alaska, Lightwater, Prudential Guarantee, RLC Residences, Regent, Rudy Project, Sante, Teresa Marble Corp., Cignal, Philippine Star at Sportograf.com.

Ilan pang mga nakalinyang paligsahan ng IRONMAN Group/Sunrise Events, Inc. sa kasalukuyang ang Penong’s 5150 sa Davao sa Setyembre, IronKids sa Vermosa, Cavite at Alveo 5150 Subic Bay, parehong sa Oktubre, at IRONMAN 70.3 Puerto Princesa sa Palawan sa Nobyembre. (Ramil Cruz)